EDITORYAL – Pagdami ng POGOs kokontrolin na
(Pang-masa) - January 21, 2020 - 12:00am

NAGSALITA na si President Duterte ukol sa pagdami ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa. Ayon sa Presidente, lilimitahan na ang mga ito. Ang pagdami ng gambling hubs sa bansa ay may “side effects” at magdudulot ng problema sa regulators. Hindi umano kakayanin na mabantayan ang pagdami ng POGOs kaya lili­mitahan na. Bagama’t nagbibigay ng trabaho ang POGOs, hindi naman nararapat na dumami ang mga ito na kahit saang sulok ng bansa ay makikita.

Isang magandang desisyon ang ginawang ito ng Presidente. Talaga namang nakaaalarma na ang pagdami ng POGO dahilan para dumagsa ang mga Chinese sa bansa. Mga Chinese kasi ang tauhan ng mga POGO provider. Mga Chinese ang customer kaya kailangan na marunong magsalita ng Chinese ang empleado.

Mula 2017 hanggang sa kasalukuyan, umaabot na sa 130,000 Chinese ang nasa bansa na pawang naka-employ sa POGO. Sa bilang na ito ng mga Chinese, mai-imagine kung gaano karaming online gambling operators sa bansa.

Bagama’t kumikita ang bansa dahil sa binabayad na buwis ng POGOs, hindi naman lahat sa kanila ay nagbabayad. Karamihan, hindi nakarehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Kumikita nang malaki ang mga POGO pero hindi sila nagbabayad ng buwis. Dinadaya nila ang gobyerno.

Noong nakaraang taon, ilang POGO na ang ipinasara ng BIR dahil sa hindi pagbabayad ng buwis. Kabilang sa ipinasara ang Great Empire Gaming and Amusement Corp. (GEGAC) sa Libis, Quezon City dahil sa hindi pagbabayad ng P21.62 billion sa tax. Ipinasara na rin ang branch ng GEGAC sa Subic at Parañaque City.

Inamin naman ng BIR na kumikita ang pamahalaan sa ibinabayad na buwis ng online gambling operators. Ayon sa BIR, kumita ang bansa ng P579 million noong 2018 dahil sa ibinayad na buwis. Noong 2019, umabot na sa P789 milyon ang kinita sa tax mula sa POGOs. Sa ibinabayad na tax ng online gambling operators, mapopondohan ang mga proyekto ng gobyerno lalo na ang “Build, Build, Build, Program”.

Pero sa kabila na kumikita ang pamahalaan, nagpasya ang Presidente na limitahan ang pagdami ng POGOs. Tama ang desisyon niya.

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATORS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with