Lalaking hinuli ng pulis, nagmomotorsiklo kahit walang mga kamay!
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 21, 2020 - 12:00am

NAKITA ng isang nagtatrapik na pulis sa Jimo, Shandung province, China ang isang motorsiklo na overloaded kaya mabilis niya itong pinara at sinita.

Pero ganoon na lamang ang pagkagulat ng pulis sapagkat ang lalaking nagmomotorsiklo ay walang mga kamay!

Ang lalaki ay nakilalang si Liu, 27. Nang tanungin ng pulis, agad nagmakaawa si Liu. Nalaman din ng pulis na wala itong lisensiya. Sampung taon na umanong nagmomotorsiklo si Liu.

 Ipinagtapat ni Liu na naputol ang kanyang mga kamay noong siya ay 7-anyos dahil nakuryente siya.

Nang tanungin ng pulis kung ano ang dahilan at nagawa niyang magmotorsiklo sa kabila na walang kamay, sagot ni Liu, nawalan daw siya ng hanapbuhay.

Dati raw ay sa isang circus siya nagtatrabaho pero nagsara raw ito. Wala raw siyang ipambubuhay sa pa-milya. Nalaman din ng pulis mula kay Liu na may dalawa pa raw siyang kasamahan na walang kamay pero mahusay magmotorsiklo.

 Hindi na hiningan ng pulis ng multa si Liu dahil naawa siya rito. Pinayuhan niya ito na huwag nang magmotorsiklo sapagkat delikado sa katulad niyang walang mga kamay.

LIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with