World record para sa ‘living’ Belen, naitala sa Pilipinas

NAITALA sa Pilipinas noong nakaraang Biyernes ang world record para sa pinakamalaking “living” nativity scene o belen.

Tinawag na living ang belen dahil totoong mga tao ang bumubuo nito.

Tinalo ng mga taga-San Jose Del Monte, Bulacan ang dating 1,100 kalahok na record na hawak ng United Kingdom matapos na 2,100 ang nag-costume at sumali sa li-ving belen.

Nag-costume na parang sina Joseph, Mary, at Tatlong Hari ang mga lumahok.

Sinabayan pa ang pagtitipon ng pagkanta ng choir ng mga himig Pamasko.

Sa huli, kinumpirma ng kinatawan ng Guinness na nakapagtala na nga ng bagong world record ang mga taga-Bulacan.

Show comments