Ano ang maaring gawin kapag hindi pa naita-turnover ang hinuhulugang condo?
DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

Dear Attorney,

Nangako po ang real estate developer ng hinuhulugan kong condominium na maita-turnover na sa akin ang unit pagkatapos ng isang taon. Higit isang taon na po simula nang ipinangako nila ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa po ma-okupa ang condo ko. Ang malala ay mukhang magtatagal pa bago matapos ito. Ano po ba ang remedyo rito?

Kev

Dear Kev,

Nakasaad sa Section 20 ng Presidential Decree No. 957 o Subdivision and Condominium Buyer’s Protective Decree na may dalawang remedyo ang mga condominium buyers na katulad mo sakaling hindi tumupad sa napagkasunduan ang condominium owner o developer partikular na sa takdang panahon kung kailan makukumpleto ang condominium project.

Una ay maaring suspendihin ng buyer ang pagbabayad ng monthly amortization o buwanang hulog sa condominium unit na kanyang binibili. Maari niyang itigil ang pagbabayad hanggang sa tumupad ang condominium developer sa mga obligasyon nito alinsunod sa inyong napagkasunduan.

Ang pangalawang remedyo sa ilalim ng PD 957 ay ang paghingi ng refund o pagbawi sa halagang naihulog mo na kabilang na ang legal na interest nito.

Nasa buyer ang pagpapasya kung alin sa dalawang remed­yo ang kanyang nanaisin. Kung ang una ang iyong pipiliin, kailangan mo lang ipagbigay-alam sa condominium developer ang pagsuspinde mo ng pagbabayad ng monthly amortization hanggang sila’y tumupad sa kanilang mga obligasyon. Kung ang pangalawa naman ang iyong pipiliin, huwag kang papayag na ipitin ng condo developer ang halagang binabawi mo dahil maari kang magreklamo sa HLURB kung hindi rasonable ang pag-delay nila sa refund mo.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad na legal advice dito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon. Mas mainam pa rin na kayo ay personal na kumunsulta sa isang abogado para sa inyong mga problemang legal.

CONDOMINIUM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with