Ambagan para sa Mindanao quake

IKINAMANGHA ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang naging decision making ng mga officials sa DoTr na i-ambag ang kanilang makukuhang 14 month bonus pay sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Sabi nga, very good!

Bukod kay DoTr Secretary Art Tugade, ang lahat ng mga undersecretaries at mga pinuno ng mga attached agencies ang ilan pa lamang sa mga officials na nangakong ibibigay ang kanilang 14 month pay.

Wow, talaga ‘yun bonus nila?

Korek ka diyan kamote!

Sa pangakong mukhang hindi mapapako may P1.2 million ang nakalap sa mga officials.

Maliit na pera pa lamang ang pauna at mukhang magkakaroon ng panibagong ambagan pa sa mga susunod na araw.

Abangan.

• • • • • •

 ‘Malasakit,’ sa Mindanao earthquake victims

Nagparamdam ng malasakit sa madlang people ang Local airline companies matapos nilang mapagkasunduan na magbigay ng free cargo space para sa Mindanao earthquake relief operations.

Ito ang ibinida ng Civil Aeronautics Board o CAB, matapos ang pagpupulong ng magkasundo ang mga kinatawan ng Philippine Airlines, Cebu Pacific Air, at Philippine AirAsia, the other day.

Ang mabibigyan ng free cargo ay ang mga agencies and non-government organizations na accredited sa three airlines.

Bukod dito ang Cebu Pacific at AirAsia magbinigay ng limited free transportation para sa mga relief workers o medical personnel at mga volunteers certified ng DSWD o DOH with matching endorsement ng CAB.

Ano ayos ba?

Show comments