^

Punto Mo

Ang multo ni Jessie, bow!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HAPPY Halloween mga kosa!

Kung aabot sa 5 milyong Metro Manilan’s ang lulusob ngayon sa 118 sementeryo at columbariums sa Kamaynilaan, si Jesus Dadea, alias Jessie, naman ay parang multo rin na mag-iikot sa area ng Quezon City Police District (QCPD). Hindi sementeryo ang pupuntahan ni Jessie mga kosa kundi ang mga pasugalan, putahan, beerhouse at iba pang pugad ng pagkakitaan. Araguuyyy! Si Jessie mga kosa ay kolektor ng lingguhang intelihensiya ni Col. Ronnie Montejo, hepe ng QCPD, at ang minumulto nito ay itong mga ilegalista sa siyudad. Ayon kasi sa mga kosa ko, abot langit kung mangharabas si Jessie at karamihan ay hindi nakayanan kaya napilitang magsara. Sibilyan si Jessie subalit daig pa ang pulis kung umasta dahil ang tara niya ay mula P100,000 hanggang P200,000 kada linggo Araguuyyy! Pinabuksan din ni Jessie ang sugal na jueteng ni alyas Conrad, na ang manager ay si alyas Tepang, na kinasuhan na noong panahon ni NCRPO chief at PNP CDS sa ngayon na si Maj. Gen. Guillermo Eleazar. Araguuyyy! Hak hak hak! Mukhang hindi pinapansin ni Jessie ang “no take policy” ni NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas ah?

Si Tepang mismo ang management ng jueteng ni Conrad sa area ng Q-Mart at Kamuning at ang maghapong kubransa ay aabot sa P200,000. Si Dodong Mendez naman ang management sa Tandang Sora at ang kubransa ay P350,000 samantalang si alyas Baby naman sa Grotto area, sa Balintawak at Novaliches at ang kubransa ay P200,000. O hayan, Gen. Sinas Sir, utusan mo na si Col. Remus Medina, ang NCRPO intelligence chief, para matigil na ang jueteng ni Conrad at mahinto na itong kababalaghan na dala ni Jessie. Araguuyyy! Hak hak hak! Baka mapurnada pa ang promotion ni Montejo sa pagka-heneral kapag hindi matigil ang pagmumulto ni Jessie, di ba mga kosa?

Kung sabagay, hindi naman bago sa negosyo si Jessie dahil dati na siyang may palaro na lotteng at ending sa Novaliches. Ang kumakalat na balita, pinsan ni Jessie ang asawa ni Montejo kaya bagyo ang dating. Sa pagmumulto...este sa pag-iikot pala niya sa QCPD area aba may mga bodyguard pa si Jessie, na pinabibigyan din niya ng lingguhang payola sa kanyang mga kausap. Araguuuyyy! Ang ibig kong sabihin mga kosa, mayroon ng kinokolekta si Jessie para kay Montejo, meron din para sa kanya at sa mga bodyguard niya at ngayon lang ‘yan nangyari sa QCPD. Super bagyo talaga si Jessie, di ba mga kosa? Para sa kaalaman ni Gen. Sinas, ang mga bodyguard ni Jessie ay mga pulis at puwede namang itapon niya ang mga ito sa Mindanao para magkaleksiyon, di ba Gen. Sinas Sir? Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

Kapag nasupalpal ni Sinas ang tropa ni Jessie, magsisunuran na ang iba pang mga police district na seryosohin ang “no take policy” niya, di ba mga kosa? Araguuyyy! Hak hak hak! Monitoring lang po ako mga kosa! Abangan!

vuukle comment

UNDAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with