Higit 1 toneladang breaded pork chop, niluto sa Germany

ISANG festival sa Germany ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record nang lutuin doon ang dambuhalang breaded pork chop na may bigat na 1.33 tonelada at may sukat na 753.5 square feet.

Ginawa ang pagluluto sa Schnitzel Fest event sa Mengkofen, Bavaria, kung saan gumamit ng 400 pirasong pork chops, 4,000 itlog at 551 pounds ng bread crumbs upang makagawa ng higanteng schnitzel, na German version ng breaded pork chop.

Ayon sa festival organizers, gumamit sila ng 3,700 gallons ng mantika para maiprito ang napakalaking pork chop.

Isang kinatawan ng Guinness World Records ang nakamasid habang niluluto ang giant schnitzel at kinumpirma nitong nahigitan nga nito ang dating world record na nasa 1,212.5 pounds o 0.6 tonelada lamang ang timbang.

Opisyal na kinilala ang nilutong schnitzel na pinakamalaki sa mundo bago ito hinati-hati sa 4,800 na bahagi at ibinenta sa mga dumalo sa festival. Ayon sa mga organi-zers, ibibigay sa charity ang kikitain mula sa pagbebenta ng record-breaking na pork chop.

Show comments