Pondo sa edukasyon nilaslas

PINALAGAN ni ACT Teachers Representative France Castro ang pagtapyas ng pondo para sa pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education, ang ginawang paglaslas ay lulumpo sa mga State Universities and Colleges and Technical Vocational Institutions sa pagpapatupad ng Free Higher Education Law. 

Birada ni Castro, may mga pagtatapyas sa 2020 General Appropriations Bill na P12,412,676,000 sa kabuuang badyet ng Commission on Higher Education, Maintenance and Other Operating Expenses ng State Universities and Colleges at sa kabuuang badyet ng Technical Education and Skills Development Authority ito ang pangunahing ahensya na may mahalaga mga bagay na ipatupad ang Universal Access sa Quality Tertiary Education na natamo sa ginawang pagtapyas sa 2020 badyet. 

Sa ilalim ng CHED budget, ang item Universal Access sa Quality Tertiary Education ay may P7.15 bilyong pagtapyas. Sa ilalim ng TESDA budget, ang Promotion, Development and Implementation of Quality Technical Education and Skills Development Programs ay nagkaroon ng P280.49 million cut. Habang ang badyet para sa 53 SUCs ay nagkaroon ng pagtapyas sa kanilang mga pangkalahatang badyet, ang ilan ay nagkakaroon ng zero budget para sa Capital Outlay at ang P57.76 million ay nilaslas sa Maintenance and Other Operating Expenses sa buong SUC budget. 
Nakakaalarma ang mga numero kapag hindi sinunod ang mga probisyon ng RA 10931, na nagsasabi na ang Estado ay dapat magbigay ng sapat na pagpopondo at tulad ng iba pang mga mekanismo upang madagdagan ang participation rate sa lahat ng socioeconomic classes sa tertiary education.

Sabi nga, imbes na dagdagan ang pondo para dito ay patuloy na nilalaslas.

Huwag nating pababayaan ang ating responsibilidad sa madlang people sa pagbibigay ng sapat na pondo para sa Free Higher Education Law.  Abangan.

• • • • • •

Katarungan para kay Maxciel Pereira dos Santos 

Binatikos ng  International Indigenous Peoples Movement for Self-Determination and Liberation o IPMSDL, ang ginawang pagpatay kay Indigenous Peoples Human Rights Defender - Maxciel Pereira dos Santos last September 9 sa  Tabatinga, Brazilian state of Amazonas, malapit sa hangganan ng Peru at Colombia.

Si Maxciel, na nagtrabaho ng 17 taon para sa proteksyon ng mga indigenous rights sa ilalim ng pamahalaang National Indian Foundation o FUNAI. Binaril ng dalawang beses sa ulo si Maxciel habang nakasakay sa kanyang motorsiklo kasama ang kanyang asawa at anak.

Ang pagpatay kay Maxciel ay sinasabing isang paghihiganti sa mga ilegal na mga mangangaso, loggers at miners na hinuli na may dalang ilegal 300 tracajás turtles at 40,000 mga itlog. 

Ayon sa impormasyon nagbigay nang pahiwatig ang mga kriminal at binaril na nila ang headquarters na lugar nina Maxciel.

Hustisya para kay Maxciel at sa lahat ng mga naging biktima ng pag-atake sa IPHRDs.

Show comments