Drug convict sa Brazil, ginaya ang suot ng anak na babae para makatakas sa kulungan
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - August 8, 2019 - 12:00am

ISANG convicted drug trafficker sa Brazil ang nagtangkang tumakas sa bilangguan sa pamamagitan ng paggaya sa kaanyuan at pananamit ng kanyang 19-anyos na anak na babae. Subalit hindi siya nagtagumpay sapagkat napansin ng mga guwardiya ang kakaibang kilos niya na tila kinakabahan at hindi mapakali.

Ang gang leader ay nakilalang si Clauvino da Silva, 42. Nahuli siya habang suot-suot pa ang maskarang gawa sa silicon, wig, salamin, jeans at pink T-shirt.

Ayon sa mga guwardiya, napansin nila na kabado ang mga kilos ni Da Silva.

At nang kanilang siyasatin si Da Silva, nagbabalatkayo lamang pala itong babae. Ipinahubad kay Da Silva ang mga suot at nakumpirmang siya nga ang gang leader. Nakunan pa ng video ang paghuhubad ni Da Silva sa kanyang disguise saka niya sinabi ang buong pangalan.

Kilala rin si Da Silva bilang Baixinho, na ang ibig sabihin ay pandak sa Portuguese. Nasentensiyahan siya ng 73-taong pagkakakulong sa salang drug trafficking.

Dati na siyang nakatakas sa Gericinó prison sa Rio noong 2013 matapos siyang dumaan sa imburnal ng kulungan. Ngayon ay kakaibang pamamaraan naman ang naisip niya – nagbalatkayong babae pero hindi nagtagumpay. Kasalukuyan namang nakapiit ang kanyang anak na babae at kakasuhan dahil sa pagi­ging kasabwat sa pagtakas. Dinalaw siya ng anak nang araw na isagawa niya ang pagbabalatkayo at pagtakas.

Update sa drug convict na si Da Silva: Sampung oras makaraang mabuking ang tangkang pagtakas ni Da Silva, natagpuan itong patay sa kanyang selda. Ayon sa report, nagpakamatay si Da Silva sa pamamagitan ng pagbigti.

DRUG TRAFFICKER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with