^

Punto Mo

Rep. Velasco, naiwan sa kangkungan!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAGBALIKTARAN na ang mga kapwa niya kongresista at naiwan sa kangkungan ang pangarap ni Marinduque Rep. Lord Alan Velasco na maging House Speaker. Ito ay matapos umalma ang mga miyembro ng PDP-Laban, Party-list Coalition at National People’s Coalition at ibinando nila na hindi sila kasali sa pagbigay ng suporta kay Velasco dahil ibang kandidato ang susuportahan nila. Ang inalmahan ng tatlong partido ay ang manifesto na lumabas noong Miyerkules kung saan nakalagay na suportado nila si Velasco sa pagka-Speaker at pirmado ito ng mga lider ang representante ng grupo. Ilang minuto matapos mailabas ang manifesto, nilinaw ng 54-member na Party-list Coalition na hindi sila sumusuporta kay Velasco bilang Speaker. Ayon kay Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., ang coalition nila ay walang pang desisyon kung sino ang kanilang susuportahang Speaker. Dinagdag pa ni Garbin na sila ay magmimiting pa para makuha ang consensus ng bawat miyembro bago nila marating ang pinal na desisyon. Nang uriratin kung bakit nakapirma si 1-Pacman Rep. Michael Romero sa multi-party manifesto, niliwanag ni Garbin na personal niya itong desisyon ay hindi ng kabuuang coalition. Araguuyyy! Maging si Ang Kalusugan party list Rep. Mike Defensor ay nagsabing “unfair” ang pagpirma ni Romero sa manifesto. Ano ba ‘yan? Hak hak hak! Sinabi ni Defensor na okey lang sana kung iginiit ni Romero na personal niyang desisyon ang pagpirma sa manifesto at unfair ito kung ang buong party-list bloc ang kanyang dinala. Hindi pa umano natalakay ang isyu at ang pirma ni Romero ay ilegal at walang basehan, ani Defensor.

Kaya malinaw pa sa sikat ng araw na hindi pa nagdedesisyon ang party-list bloc kung sino ang kanilang susuportahan kaya may pag-asa pa si Taguig Rep. Peter Alan Cayetano na masungkit ang suporta ng grupo, di ba mga kosa? Kung sabagay, maging si Senate Pres. Tito Sotto, ng Nationalist People’s Coalition ay nasorpresa na kasama ang NPC sa lumabas na manifesto samantalang, tulad ng party list coalition, wala rin silang napagdesisyunan kung sino ang manok nilang Speaker. Iginiit ni Sotto na kasalukuyan pa silang nagsasagawa ng consultations sa kanilang miyembro at hindi pa nila isinapubliko ang kanilang desisyon dahil hindi pa pinal ito. Araguuyyy! Hak hak hak! Nagamit din ang NPC sa black propaganda ng kampo ni Velasco, ano mga kosa? Tumpak!
Nagsalita naman si Albay Rep. Joey Salceda na wala ring konsultasyon ang PDP-Laban kung sino ang i-endorse nilang Speaker. Pinasaringan ni Salceda si PDP-Laban Pres. Koko Pimentel kung bakit nag-anunsiyo ito na si Velasco ang kanilang susuportahan eh wala pang pormal na desisyon ukol dito. Sabi pa ni Salceda importante ang komunikasyon at konsultasyon dahil lahat naman ng kaalyadong partido ay tumulong sa pagkapanalo ng mga kandidato ng administrasyon. Hak hak hak! Hilong talilong na ang kampo ni Velasco sa pag-atras ng mga kuno’y supporters niya, di ba mga kosa? Kung sumakabilang bakod sa kampo ni Cayetano sina PDP-Laban Rep’s. Ronnie Zamora, Neptali Gonzales Jr., Dan Fernandez at Abraham Tolentino, may posibilidad na marami pa ang susunod sa kanila, di ba mga kosa. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!

vuukle comment

KANGKUNGAN!

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with