^

Punto Mo

Mga bawal sa ‘Wattah Wattah’ festival sa San Juan!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAHIGPIT na ipatutupad ni San Juan City Mayor Guia Gomez ang city Ordinance No. 51 para maging maayos ang pagdaraos ng 16th “Wattah Wattah” festival ngayong araw. Sa sobrang tagal na kasing siniselebra ng siyudad ang feast of St. Joseph the Baptist ay hindi maiwasan na may nangyayaring kaguluhan kaya inilabas itong ordinansa noong 2018 para maiwasan ang mga insidente ng patayan at bugbugan. Kaya sa mga taga-San Juan d’yan, ‘wag balewalain ang ordinansa dahil sa unang offense ay may multa na P2,500 at isang araw na community service, at ang 2nd offense ay P3,500 ang multa at tatlong araw na community service. Ang pinakamatindi ay ang 3rd offense na may multang P5,000 at isang araw na pagkakulong. Araguuyyy! Hindi lang ‘yan! Pati mga menor de edad na lumabag sa ordinansa ay papatusin din at ipapamahala sila sa city Social Welfare and Development Office (CSWDO) ayon sa City Ordinance No. 4 Series of 2015 o Code of Parental Responsibility. Kaya mga kosa ko sa San Juan, tumalima na kayo sa panawagan ni Mayor Gomez na ‘wag lumabag sa Ordinance No. 51 para hindi mawarat ang inyong bulsa at mailayo din kayo sa kapahamakan. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Magselebra na lang ng maayos at ng sa gayun ay mailayo ang katawan sa disgrasya.

Hinikayat ni Mayor Gomez ang mga residente na gumamit ng malinis na tubig sa tradisyunal na “basaan” para maiwasan ang gulo. Siyempre ang unang bawal ay ang paggamit ng maruming tubig dahil sa insidente ng nakaraaang basaan na humantong pa sa barilan, di ba mga kosa? Bawal din ang pagbato ng tubig na may yelo o water bomb, at ang tubig na nakalagay sa anumang material na nakakasakit. Kasama rin sa bawal ang pagbabanta at pananakit sa kapwa, at ang pagpasok sa mga pampublikong sasakyan para magbasa ng mga pasahero na kalimitan ay papasok pa sa mga opisina, ang sapilitang pagbukas ng pribadong sasakyan at ang pag-uga at pagyanig ng mga sasakyan. Aba..aba..’wag kayong magbiro mga kosa ko d’yan sa San Juan dahil ang buong puwersa ni Col. Ariel Fulo, ang hepe ng lokal na pulisya, ang Task Force Disiplina, ang Barangay Peace and Order Council, at ang mga tanod ay ikinalat ni Mayor Gomez para magbantay at manghuli ng mga lumalabag sa ordinansa. Araguuyyy! Teka nga pala! Ang tradisyunal na basahan ay mula 7:00 a.m. hanggang 1:00 p.m. lang, di ba kosang Dante Santiago, hepe ng CENRO Sir? At may liquor ban din mula 12:01 a.m. ng Hunyo 24 hanggang 3:00 p.m. Hak hak hak! Kapag nagbasa ng PM ang mga taga-San Juan ngayong umaga tiyak walang kaguluhan sa “Wattah Wattah” festival ni Mayor Gomez, di ba mga kosa?

Dahil tapos na ang 3rd term ni Mayor Gomez, itong 16th “Wattah Wattah” ang huli niyang iseselebra. Siyempre, nais din ni Mayor Gomez na pagpatuloy ni mayor-elect Francis Zamora ang tradisyon dahil siya naman ang nakapirma sa ordinansa nito noong vice mayor pa siya sa liderato ni dating mayor at Sen. Joseph Victor Ejercito, na anak niya. Hak hak hak! Maligayang pagselebra ng Feast of St. John the Baptist sa mga kosa ko sa San Juan. Abangan!

 

vuukle comment

SAN JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with