^

Punto Mo

20 Makatunaw-Pusong Kuwento

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

6. Sorpresa sa graduation

SI Mike Tersea na mula sa Nigeria ay masuwerteng naging scholar ng John Carroll School, Bel-Air Maryland USA. Na-recruit siya mula sa Nigeria para maglaro ng basketball sa nasabing school.

Apat na taon siyang napawalay sa kanyang mahal na ina at ang tanging komunikasyon nila ay sulat. Magtatapos na siya sa Grade 12 at lihim niyang nahihiling na sana ay makadalo ang kanyang ina.

Ngunit siya na rin ang kumokontra sa kanyang sarili na imposible iyong mangyari dahil mahirap lang sila at hindi kakayanin ng kanyang ina ang mahal na pamasahe mula Nigeria patungo sa USA. Kasama pa dito ang gastos sa hotel na titirahan nito.

Nakutuban ng mga kaklase ni Mike na hindi makakarating ang ina nito sa kanilang graduation kaya gumawa ng paraan ang kanyang mga guro, class President at mga kaklase para makaipon ng pondo. Iba’t ibang project ang ginawa ng buong klase para kumita. Matagumpay silang nakabuo ng $1,673. Nakarating si Felicia, ina ni Mike, sa US ilang araw bago mag-graduation.

Pagkatapos ng apat na taon, noon lang ulit nakita ni Felicia ang pinakamamahal na anak. Sumigaw sa tuwa ang ina sabay yakap sa anak. Walang tigil ang pagluha ni Mike sa kaligayahan. Nasaksihan ng buong klase ang pagkikita ng mag-ina. Lahat sila ay napaiyak.

vuukle comment

JOHN CARROLL SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with