Disabled na beterano, nagawang buhatin ang 1,113 pounds and 5 ounces na weights
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 23, 2019 - 12:00am

NAGAWANG makapagtala ni Martin Tye, isang disabled na beterano na dating Lance Corporal sa British Army, ng bagong Guinness World Record para sa pinakamabigat na deadlift habang nakaupo.

Nagawang buhatin ni Tye, na naka-wheelchair at paralisado, ang weights na may bigat na 1,113 pounds, 5 ounces sa Strongest Man event sa North Somerset, England.

Naparalisa ang binti ni Tye matapos banggain ng isang suicide bomber ang kanyang sinasakyan noong siya’y naka-destino sa Afghanistan noong 2009. Dahil sa pangyayari ay kinailangang lagyan ng bakal ang kanyang parehong binti pati na ang kanyang mga balikat.

Nagtamo rin siya ng pinsala sa kanyang mga baga at ngayon ay lagi na siyang inaatake ng arthritis. Sumailalim na siya sa 20 operasyon mula ng insidente.

Ayon ay Tye ay gusto niyang ipakita sa lahat hindi lamang ang kakayahan ng mga may kapansanang katulad niya. Gusto rin niyang ipakita na bagama’t sa pamamagitan ng ibang pamamaraan ay kaya pa rin ng isang taong may kapansanan katulad niya na gawin ang ginagawa ng mga taong walang kapansanan.

MARTIN TYE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with