Sa wakas tapos na ang election

SA kabuuan walang malaking insidenteng nangyari sa eleksyon yesterday sa Philippines my Philippines maliban sa ilang pagsabog sa Mindanao na sinuyod agad ng mga authorities, mga nahuli sa vote buying, ilang reklamo ng madlang vo­ters sa COMELEC at mga nahuling tumo-toma ng alak.

 Minimal lamang ang mga ito kumpara noong mga nakaraang erection este mali election pala na sangkaterba ang mga namamatay o pinapatay na mga candidates at mga supporters.

Hanggang ngayon ay hindi tayo bilib sa COMELEC halos katulad din sila ng MMDA na puro drawing.

Ika nga, nauuna ang praise release pero iba ang nangyayari?

Naku ha!

Ano ba ito?

Kung tutuusin sandamakmak ang kapalpakan pero ang eleksyon sa Philippines my Philippines ay nangyayari every three years pero up to now ay ganoon pa rin ang mga problema.

Ano ba iyan?

Sabi nga, magaling lang mag-drawing ng balita?

Ika nga, puro satsat !

Halos kada tatlong taon sa Philippines my Philippines ay may erection este mali election pala pabalik-balik lang ang kapalpakan lalo sa mga voting places up to now ay hindi pa rin ito maayos-ayos?

Bakit kaya?

Sabi nga, marami pa rin sablay?

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

• • • • • •

Congratulation!

Sa lahat ng mga nagnakaw este mali nanalo palang kandidato pinapalakpakan namin kayo sa matiagang pangangampanya para kayo maiboto at mailuklok sa mga puesto ninyo ngayon.

Sabi nga, congratulations!

Sana huwag ninyong paasahin ang madlang pinoy sa mga ipinangako ninyo na bumoto sa inyo.

Ika nga, huwag sanang mapako!

Anyway, binabati namin kayong lahat na nanalo.

Show comments