^

Punto Mo

Ang kuwentong Titanic

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Note: Iba’t ibang anekdota ng kabayanihan, karuwagan at pagiging makasarili  ng mga pasaherong nakaligtas sa lumubog na Titanic.

Maxixe: Ang cute na laruang baboy

SI Edith Russel ay ipinanganak sa Ohio ngunit nagtatrabaho siya sa Paris bilang fashion writer, importer, buyer, at  saleswoman ng isang French fashion designer. Nang magtagal ay nagtayo na rin siya ng fashion house sa Paris at pinangalanan itong “Elrose”. Dinadala niya ang mga damit ng Elrose  sa Lord and Taylor sa New York. Sumikat ang Elrose kaya naging fashion stylist na rin siya ng mga US celebrities at Broadway comedienne na si Ina Claire, Folies Bergere showgirl Mis-tinguett, at opera diva Geraldine Farrar. 

Sumakay siya sa Titanic bitbit ang mga damit niyang Elrose upang ideliber sa New York. Sa dami ng kanyang bitbit, kumuha siya ng ekstrang cabin para lang sa kanyang mga bagahe. Upang malibang habang nagbibiyahe ay pinapatugtog niya ang kanyang musical toy pig na pinangalanan niyang Maxixe. Ang mata  ng toy pig ay nagko-close-open kasabay ng music. Maya-maya ay nakaramdam ng pagyanig si Edith kaya dali-dali siyang lumabas ng cabin. Pero bago lumabas ay binalot niya sa scarf si Maxixe at saka binitbit palabas. Naabutan niyang nagkakagulo na ang mga pasahero sa pagsakay sa lifeboat. Inuunang pasakayin sa lifeboat ang mga babae at bata. Sa halip na makipag-unahan, inalalayan niya ang mga matatandang babae at bata na makasakay sa lifeboat. Inaalo niya ang mga batang natatakot at nag-iiyak. Isang pasaherong lalaki ang nag-akalang sanggol ang nakabalot sa scarf kaya kinuha ito, inihagis at ipinasalo sa mga taong nasa lifeboat sabay sabi kay Edith: Sige tumalon ka na at naroon na ang iyong baby. Wala nang nagawa si Edith kundi tumalon sa life boat.

Karamihan sa pasahero ng Lifeboat ay mga bata na nangangatal sa takot at sobrang lamig ng panahon. Ang ginawa ni Edith ay pinatugtog ang musical toy pig. Ito ang nagpakalma sa kalooban ng mga bata. Isang chidren’s book ang inilimbag para sa karangalan ni Maxixe. Ito ay pinamagatang  Pig on the Titanic na sinulat ni Gary Crew. Sumikat pareho sina  Edith at Maxixe dahil sa munting kabayanihan nagawa nila. Binawian  ng buhay si Edith noong  1975 sa gulang na 98.

vuukle comment

TITANIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with