Eroplano, bumalik ng airport matapos malimutan ng pasahero ang kanyang sanggol

KAKAIBA ang naging hiling ng piloto ng isang flight papuntang Malaysia mula Jeddah, Saudi Arabia.

Nakapag take-off na kasi ang Saudia flight SV832 mula sa King Abdulaziz International Airport sa Jeddah nang magsabi sa air traffic control ang piloto nito na babalik ang kanilang eroplano matapos mapag-alaman na naiwan pala ng isa sa mga pasahero ang kanyang sanggol sa airport.

Noong una, ipinaulit pa ng air traffic controller ang dahilan ng pagbalik ng eroplano ngunit inaprubahan din naman nito kaagad ang hiling ng piloto na lumapag pabalik.

Show comments