Hindi mo alam… tungkol sa mga sikat

Fluent sa Italian si Kobe Bryant. Noong 6 years old pa lang siya, lumipat sila sa Italy dahil kinuhang basketball player doon ang kanyang ama. Natutuhan niyang magsalita ng Spanish at Italian.

May twin brother si Scarlett Johansson.

Mahirap lang ang pamilya ni Jim Carrey kaya tumigil sa pag-aaral sa edad na 16. Nagtrabaho siya bilang janitor, minsan security guard.

Si Johnny Depp ay takot na takot sa clowns. Coulrophobia ang tawag dito.

Nakasuot lang ng wig si Sean Connery sa kanyang James Bond films. Kalbo siya sa totoong buhay.

Si Jennifer Lopez lang ang pinakaunang tao sa kasaysayan ng entertainment industry na naging number one ang kanyang movie at album sa iisang week noong 2001.

Vegetarian si Simon Cowell.

Duling si Demi Moore noong bata pa. Inagapan ng parents niya na ipa-correct ito. Matagal din siyang nagsuot ng eyepatch.

Ang British star na si Emma Watson ay ipinanganak sa France. Tumira siya roon hanggang 5 years old. Bumalik sila sa England nang maghiwalay ang mga parents niya.

Robyn talaga ang first name ni Rihanna. Middle name niya ang Rihanna. Ang kumpleto niyang pangalan ay Robyn Rihanna Fenty. Ang Rihanna ay ‘sweet basil’ sa Arabic at pino-pronounced ito ng ‘Rih-Anna’.

Show comments