Praise the Lord!

MAY magkapitbahay na magkabaliktad ang paniniwala: Ang unang babae ay Kristiyano samantalang ang ikalawang babae ay Atheist o walang sinasambang Diyos.

 

Tuwing umaga ay tatayo sa kanyang azotea ang Kristiyano. Itataas ang dalawang kamay at sisigaw ng “Praise the Lord!”

 

Naiinis ang Atheist sa ginagawang pagtaas-taas ng kamay at pagsigaw ng “Praise the Lord” ng kanyang kapitbahay. Feeling niya’y Over Acting na ito. Kaya para asarin ang kapitbahay ay sumisigaw naman siya ng “There is no God!” pagkatapos ng sumigaw ng “Praise the Lord!”

Isang umaga ay iba ang isinigaw ng Kristiyano, “Lord, parang awa mo na bigyan mo ako ng pagkain, natanggal ako sa trabaho!”

Kinabukasan, isang bag ng groceries ang natagpuan ng Kristiyano sa kanyang azotea. Tuwang-tuwang sumi­gaw ang Kristiyano: “Salamat po sa groceries…Praise the Lord!”

Nakikinig pala ang Atheist at bigla rin itong sumigaw: “ Walang himala, walang Diyos…sa akin nanggaling ang mga groceries ng aking kapitbahay!”

Sumigaw muli ang Kristiyano pagkatapos niyang marinig ang sinabi ng Atheist. “ Praise the Lord! Ang galing mo talaga Lord! Nagawa mong utusan ang isang demonyo para mamili ng kakainin ko!”

Show comments