EDITORYAL - Daming tuso at pasaway na kandidato
(Pang-masa) - February 16, 2019 - 12:00am

KAHIT nagbanta na ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na mahaharap ang mga ito sa pagkadiskuwalipika dahil sa paglabag sa paglalagay ng illegal campaign posters at streamers, marami pa rin ang pasaway. Napakarami pa rin at namumulaklak ang illegal posters na makikita sa kung saan-saan. Wa-epek ang panawagan ng Comelec sa mga kandidato.

Bukod sa kung saan-saan nakadikit o nakalagay ang posters, malalaki rin ang sukat ng mga ito at hindi tumutugma sa ipinag-uutos ng Comelec.

May mga poster at banner na makikita pa rin malapit sa parke at sa palengke. Mayroong poster na nakadikit sa likuran  ng bus at ibang pampublikong sasakyan.

Ayon sa Comelec, ang sinumang kandidato na hindi sumunod sa batas sa pagbabaklas ng illegal posters ay mahaharap sa election offense. Maaaring madisku-walipika ang sinumang kandidato na lumabag sa illegal campaign materials. Ayon pa sa Comelec, ang tamang sukat ng campaign posters o banners ay may maximum na sukat na 61 centimeters by 91 cm. Ito lamang ang sukat na pinapayagan at ang lumampas dito ay mahigpit na babantayan. Hindi raw mangingimi ang Comelec na patawan ng parusa ang lalabag.

Noong Biyernes, nagsagawa ng pagbaklas ang   mga tauhan ng Comelec sa mga illegal posters sa maraming lugar sa Metro Manila. Sinuyod nila ang mga lugar kung saan ay namulaklak ang mga mala-laking tarpaulin at streamers ng kandidato.

Winarningan naman ang 34 na kandidato na lu­ma­bag sa paglalagay ng illegal posters. Ang mga ito ay pawang kandidato sa pagka-senador. May kabuuang 62 kandidato na tumatakbo sa pagka-senador. Binantaan ng Comelec ang mga lumabag na baklasin ang kanilang illegal campaign posters o maharap sila sa pagkadiskuwalipika. 

Lantaran ang paglabag ng mga kandidato at tila binabastos ang Comelec. Sa nangyayarig ito, dapat magpakita ng “pangil” ang Comelec para masindak ang mga tusong kandidato. Hindi tama ang kanilang ginagawa at unfair sa iba pang kandidato. Kailangang may masampolan sa mga lumalabag para maniwalang may kapangyarihan ang Comelec.

Kapag walang na-diqualify sa mga ito, nagpapakita ito na mahina ang Comelec at pawang banta lang. Hindi dapat mangimi sa mga pasaway at tusong kandidato.

KANDIDATO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with