Ipis na panregalo sa ex, alok ng zoo para sa Valentine’s
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

SA halip na tsokolate, bulaklak, o romantic dinner, ipis ang iniaalok ng isang zoo sa Texas bilang panregalo sa darating na Valentine’s.

Ayon kasi sa El Paso Zoo, ipis ang pinaka-akmang regalo para sa mga hindi pa maka-move on sa dati nilang mga ka-relasyon.

Pagkabili kasi sa isang ipis ay ipapangalan ito sa dating nobyo o nobya ng bumili, bago ito ipakain sa isa mga alagang meerkat ng zoo. Ipalalabas pa nila ito online sa Facebook kung saan mapapanood ang pagpapakain ng live.

Ayon sa mga opisyal ng zoo, ang malalaking Madagascar hissing cockroaches ang kanilang mga iaalok sa publiko dahil ito ang kanilang karaniwang ipinakakain sa kanilang mga alagang meerkat.

IPIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with