^

Punto Mo

EDITORYAL - Pabata nang pabata ang nagiging criminal

Pang-masa
EDITORYAL - Pabata nang pabata ang nagiging criminal

KAMAKAILAN, napabalita ang pagkakapatay ng isang batang lalaki na edad 9-anyos sa kanyang kalaro. Nabaril ng bata ang kanyang kalaro. Ang baril ay pag-aari ng kanyang ama.

Dahil bata pa, isinailalim siya sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). May ilan pang kasong ganito na menor-de-edad pa ang sangkot. Mayroong mga bata na edad 9 pataas ang nakunan ng video habang kinukuyog ang isang jeepney driver sa Port Area, Maynila.

Sumakay ang mga batang hamog at pinagtulung-tulungan ang drayber na pagsusuntukin habang ang iba ay nililimas ang kinita nito sa pamamasada. Nang makuha ang pera, nagtalunan na ang mga bata at nawala sa dilim. Walang magawa ang kawawang drayber na nagtamo ng mga sugat sa mukha dahil sa pagsalakay ng mga batang hamog.

Isa pang pangyayari na halos ganito rin at nakunan ng video ang pagsalakay ng mga menor-de-edad na lalaki at babae sa isang pasahero ng dyipni sa Macapagal Avenue, Pasay City. Habang naka-stop ang jeepney, umakyat ang isang babaing menor-de-edad at hinihingi ang pagkain na hawak ng mag-inang pasahero. Tumanggi ang mag-ina.

Nagmamadaling bumaba ang menor-de-edad na babae, nagtungo sa gilid ng dyipni na kinauupuan ng mag-ina. Hinaltak nito ang buhok ng ina na hinihi-ngian ng pagkain. Kahit na umaandar na ang dyipni ay ayaw pa ring bitiwan ng batang hamog ang buhok ng babae. Tumulong na ang ibang pasahero para maitaboy ang marahas na menor-de-edad.

Isinusulong sa Kongreso ang pagpapababa sa edad ng criminal liability. Mula sa dating 15-an-yos, ibababa ito at gagawing 9-anyos. Si House
Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang nagsusulong ng panukala. Layunin ni Arroyo na amyendahan ang Republic Act 10630. Noon pang 2016 ito pinapanukala pero hindi laging nabibinbin. Ngayon ay inaasahang maipapasa na ito lalo pa’t si President Duterte ay humihiling din na ibaba ang criminal liability.

Nararapat lang maibaba ang edad. Pabata nang pabata ang mga nagiging criminal ngayon na tila wala nang kinatatakutan. Ginagamit din ang mga bata ng sindikato ng droga kaya wala nang katapusan ang problema. Panahon na para maibaba ang edad at maparusahan ang mga batang kriminal.

vuukle comment

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with