^

Punto Mo

Iba’t ibang modus ng sindikato ng droga

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

May bago na namang nabuking na pamamaraan na gina­gawa ang sindikato ng droga para mapagtagumpayan ang kanilang operasyon sa bansa.

Sa dami ng modus ng drug syndicate, aba’y dito mas lalong kailangan talaga ang matinding pagbabantay para hindi malusutan.

Kamakailan lamang ay natuklasan ang de-latang shabu na ang nakalagay sa labas ay tomatoe sauce na ipinapasok sa bansa sa pamamagitan ng mail o parcel.

Kung hindi naging maagap ang mga awtoridad, ang PDEA at Customs, nakalusot na ang mga ito sa merkado na nagkakahalaga pa naman ng milyun-milyong piso.

Galing umano sa Nevada, USA ang mga shipment na magkakasunod na nasabat sa Clark International Airport sa Angeles City Pampanga.

Napaka-creative na raw ngayon ng sindikato ng ilegal na droga at kahit ano ay ginagawa makapagtago o makapagpuslit lamang ng kontrabando.

Dito higit na dapat maging alerto ang mga awtoridad.

Paliwanag ng PDEA, hindi umano isinasailalim sa inspeksyon ng x-ray machine sa pinagmumulang bansa ang mga package, kaya’t ang receiving country na lamang ang nakaka-detect at nakakaharang sa mga tangkang ipuslit na ilegal na droga.

Hindi nga ba’t, maging ang mga baggage counters sa mga mall ay ginagamit na rin ng sindikato sa kanilang bentahan o operasyon? Simpleng-simple ang modus, magdedeposito ng bagahe, ayon pa sa PDEA tapos iba ang kukuha, nagkabentahan na pala.

Meron namang drug den, mga bata ang pinamamahala o pinalulutang sa mga kostumer sa katwirang mahuli man hindi naman makukulong dahil mga menor de edad.
                                                               

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with