Holdaper sa Brazil, bugbog sarado matapos biktimahin ang babaing MMA fighter
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 10, 2019 - 12:00am

NATURUAN ng leksiyon ang isang holdaper sa Brazil matapos niyang tangkaing holdapin ang isang babae na isa palang mixed-martial artist.

Pinatumba ni Polyana Viana, kasapi ng Universal Fighting Championship (UFC) ang kawawang holdaper sa pamamagitan lamang ng dalawang suntok at isang sipa bago niya ito i-“rear-naked choke.”

Nangyari ang tangkang panghoholdap noong nakaraang Sabado. Nilapitan ng holdaper si Viana at sinabing may baril daw siya.

Hindi naman naniwala si Viana at naisip niyang kung sakaling totoo nga na may baril ang lalaki, hindi naman daw ito makakabunot agad kaya mabilis niya itong naupakan.

Tama ang hinala ni Viana dahil matapos niyang magulpi ang lalaki, nadiskubreng gawa lang pala sa karton ang ipinagmamalaki nitong “baril”.

Mukhang natakot naman ang lalaki dahil hindi na ito pumalag matapos matikman ang suntok at sipa ni Viana.

Matapos maproseso sa presinto ang inarestong holdaper, umuwi rin kaagad si Viana na nagawa pang magluto ng hapunan kahit bahagyang nasaktan ang kanyang kamao mula sa mga sapak na kanyang pinakawalan.

MARTIAL ARTIST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with