Babae sa Arizona na 14 na taon nang comatose, nanganak!
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 8, 2019 - 12:00am

ISANG babae sa Arizona na 14 na taon nang comatose ang bigla na lang nanganak, dahilan upang simulan ng mga kinauukulan doon ang imbestigasyon ukol sa posibleng panggagahasa.

Inaalam na ngayon ng mga awtoridad kung paanong nabuntis ang babae at kung sino ang ama ng sanggol na iniluwal nito.

Ayon sa mga ulat, parang gulay na ang kondisyon ng hindi na kinilalang pasyente sa loob ng 14 na taon matapos siyang malunod.

Kaya naman laking gulat ng mga nurse ng nursing faci-lity nang madiskubre nilang may sanggol na lumabas mula sa pasyente.

Ayon sa mga nurse, wala raw silang kaalam-alam na may ipinagbubuntis ang pasyente at nalaman na lang nila ito nang bigla na lang itong umungol kasabay ng paglabas ng bata.

Nangyari ang panganganak noong December 29 at nasa maayos na kalagayan naman daw ang sanggol.

Hinigpitan na ngayon ang seguridad para sa pasyente at kailangan nang may laging kasamang babaeng empleyado ang sinumang lalaking staff na papasok sa kuwarto nito.

Wala namang komento ang pamunuan ng health care facility sa pangyayari bukod sa pagsasabing matagal na raw silang kilala sa pagbibigay ng de-kalidad na pag-aaruga sa kanilang mga pasyente.

COMATOSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with