_pang-masa
^

Punto Mo

EDITORYAL - Kapag pinatupad ang fuel tax, daming aaray

Pang-masa
EDITORYAL - Kapag pinatupad ang fuel tax, daming aaray

ANG isyu sa fuel tax ang dahilan kaya nag-riot sa Paris, France noong nakaraang linggo. Nilusob ng protesters ang mga tanggapan ng pamahalaan at nagkaroon nang madugong riot. Para matigil ang riot, sinuspende na ng pamahalaan ang buwis sa petroleum products. Tumahimik na ang mga nagpoprotesta.

Noong nakaraang linggo, pinag-utos ni President Duterte sa kanyang economic managers na ituloy na ang pagpapataw ng karagdagang tax sa petroleum products na ipatutupad sa 2019. Patuloy naman daw ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel kaya dapat nang ituloy ang pagpapataw ng excise tax.

Ang Presidente mismo ang naghayag noong nakaraang buwan na isususpende ang pagpapataw ng buwis sa petrolyo sa susunod na taon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng crude oil sa world market. Nakasaad sa TRAIN Law, kapag ang presyo ng crude oil ay umabot na sa $80 per barrel, awtomatikong sususpendihin ang excise tax. Nang pumalo sa $80 ang crude oil noong Oktubre, marami ang nanawagan sa gobyerno na suspendihin ang excise tax. Sumunod naman ang Presidente sa panawagan nang nakararami. Pero ngayon, binawi na niya ang suspension. Dahil dito magiging P9 na ang tax sa gasolina at P4.50 sa diesel sa Enero.

Sabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez kapag itinuloy ang suspension sa kabila na bumababa ang petroleum products, labis na malulugi ang gobyerno. Sa taya ng Finance Secretary, malulugi ang gobyerno ng P43.4 bilyon. Ayon pa sa opisyal, ang tax mula sa petroleum products ang ginagamit sa ‘‘Build, Build, Program’’ ng pamahalaan.

Hindi sana nagpasya agad ang Presidente sa pagbawi sa suspension ng excise tax. Kapag pinatawan ng tax ang gasolina at diesel, tiyak tataas na naman ang bawat litro nito at ang resulta, tataas din ang mga bilihin. Tiyak marami na namang aaray lalo ang mga mahihirap. Gaano kasigurado ang Presidente na patuloy ang pagbaba ng langis sa world market. Hindi dapat pagbasehan ang pagbaba sa kasalukuyan para bawiin agad ang suspension ng excise tax. Mga mahihirap ang tatamaan sa ura-uradang pagpapataw ng buwis sa petrolyo.

PETROLEUM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with