^

Punto Mo

Illegal drugs at ang parusang kamatayan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kamakailan lamang sangkaterbang illegal drugs ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa shabu lab sa loob ng isang high-end condo sa Pasay City.

Nasa 80 kilo ng shabu at mga kemikal na nagkakahalaga ng P544 milyon ang nasamsam ng mga operatiba.

Ngunit bago ito, nagkaroon pa muna ng serye ng operasyon kung saan nadakip ang limang Hong Kong nationals na nasamsaman din ng sangkaterbang illegal drugs.

Dahil sa ganitong matatagumpay na operasyon nakakuha ng mataas na satisfaction rating ang war on drugs ng pamahalaan sa pangunguna ng PDEA at maging ang kampanya laban sa droga ng PNP suportado rin ng maraming Pinoy, resulta rin sa mga lumabas na survey.

Iisa ang ibig sabihin nito, hindi lamang si Pangulong Digong ang nagnanais na mawakasan nang tuluyan ang operasyon ng illegal drugs sa bansa kundi ito ang hangad ng maraming Pinoy.

Kasi nga naman kung masosolusyunan ang problema sa droga, tiyak masosolusyunan o bababa rin ang mga krimeng nagaganap.

Karamihan kasi sa mga insidente ng karumaldumal na krimen o sabihin pang mga petty o street ay madalas na may konek din sa paggamit ng ilegal na droga.

Malaking hamon pa rin sa mga awtoridad na ipagpatuloy at huwag tantanan ang operasyon kahit na may mga batikos.

Yun nga lang , talaga yatang tila hindi naaubos ang pagkalat ng ilegal na droga .

Parang kahit anong tindi ng operasyon at kampanya dito ng gobyerno , sa bansa pa rin nagsusumiksi

ang mga sindikato para dito isagawa ang kanilang operasyon na mistulang hindi natatakot .

Iisa ang nakikita ritong dahilan ng mga awtoridad o eksperto, at ito ay dahil umano sa kawalan ng parusang kamatayan sa bansa kumpara sa mga karatig nating bansa, isama pa umano rito ang pamamayani ng korapsyon.

Baka panahon na rin para mapagtuunan ito ng pag-aaral lalu na’t mismong ito ang sinasabing dinadahilan ng mga nadakip na sangkot sa sindikato ng droga.

Baka kasi kahit anong pagsisikap ang gawin ay ganun na lamang at pauulit-ulit at hindi maaubos ang pinapasok ng illegal drugs sa bansa dahil sa maluwag na mga kaparusahang nauukol dito.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with