^

Punto Mo

EDITORYAL - Wala raw tanim-bala

Pang-masa
EDITORYAL - Wala raw tanim-bala

NABULABOG na naman ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa muling paglutang ng tanim-bala. Nakalimutan na nang marami ang tanim-bala na sumikat noong 2016 sa panahon ng Aquino administration. Maraming nabiktima ng tanim-bala noon na kahit mga matatandang pasahero ay nabibiktima. Dahil sa takot sa tanim-bala ng mga pasahero palabas at papasok ng bansa, binabalutan nila ng packaging tape ang kanilang bagahe. Sinisigurong hindi maisisilid ang bala sa kanilang bagahe. Modus ito ng mga tiwaling airport personnel para perahan ang mga pasahero.

Pero mula nang magpalit ang administrasyon noong Hunyo 2016, nag-lie low ang mga tiwali sa tanim-bala modus. Binantaan ni President Duterte ang mga tiwali sa airport na ipakakain sa mga ito ang bala kapag naulit ang modus.

Natakot ang mga tiwali at mula noon ay hindi na nagkaroon ng tanim-bala. Pero nagkaroon naman ng nakawan sa mga bagahe kung saan pawang alahas ang dinidikwat ng mga corrupt. Pati nga alahas ng asawa ng Turkey ambassador ay hindi pinatawad. Nahuli ang mga kawatan. Nakita sa locker ang mga alahas.

Sa galit ni Duterte, inalis na ang contractor na nag-eempleo sa mga kawatang airport personnel. Nagmakaawa ang mga ito pero hind pinakinggan ng Presidente.

Nawala ang tanim-bala at mga magnanakaw sa NAIA. Balik sa normal ang lahat. Pero noong nakaraang linggo muli ngang nabulabog dahil isang babae na patungong Zamboanga ang nahulihan ng bala sa baggage. Nagreklamo ang babae. Wala raw bala sa kanyang luggage. Nag-viral sa Facebook ang pangyayari. Naulit na naman ang tanim-bala?

Hindi raw sabi ng Malacañang. Walang tanim bala. Hindi totoo na tinaniman ng bala ang babae. Wala na raw nagtatanim ng bala sa NAIA.

Sana nga ay hindi na totoo ang balita. Masisira na naman ang NAIA. Mababawasan na naman ang mga dadalaw sa bansa dahil sa masamang balita.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with