Mga kuwentong x-rated ng mga prominenteng tao

(Last Part)

Victor Hugo

Suki ng mga prostitutes sa Paris si Victor Hugo. Isa siyang French poet at novelist. Siya ang sumulat ng Les Miserables at The Hunchback of Notre-Dame. Nang siya ay pumanaw, nagsara ang lahat ng brothel sa Paris dahil nag-vacation leave ang lahat ng prostitutes para ipagluksa si Victor.

Mary Shelley

Siya ang author ng Frankenstein. Ibinigay niya ang kanyang virginity sa boyfriend na si Percy Shelley sa sementeryo, sa ibabaw ng puntod ng ina ni Mary. Buti na lang at sila ang nagkatuluyan.

Marie Antoinette, Queen of France

Noong araw sa France, ang mga babae mula sa dugong bughaw ay nanganganak sa harap ng publiko upang matiyak na anak talaga nila ang magmamana ng trono. Halos maipit si Marie Antoinette nang dumugin siya ng publiko para makita nang close up ang paglabas ng baby mula sa kanyang puwerta.

Show comments