^

Punto Mo

EDITORYAL - Dapat damputin ang mga tambay

Pang-masa
EDITORYAL - Dapat damputin ang mga tambay

MAY ordinansa na sa mga lungsod at bayan na bawal ang tambay at mga nag-iinuman sa dis-oras ng gabi sa mga kalsada. Pati mga menor-de-edad ay bawal din. Kaya ang kautusan ni Pres. Rodrigo Duterte na pagdadamputin ang mga nag-iinuman at mga tambay kung gabi ay hindi na bago at hindi na rin dapat ipagtaka. Matagal na ito kaya nararapat lamang ipatupad. Ang nakakaasar lang, mayroon na palang ganitong ordinansa pero hindi ipinatutupad. Maraming ningas-kugon sa pag-iimplement ng batas. Kung ang ordinansang ito ay lagi nang ipinasusunod, hindi na makakaalma ang mga tambay at mga nag-iinuman sa kalsada sa kalaliman ng gabi. Ngayong binuhay ni Duterte ang kautusan, maraming nagsasabi na paglabag ito sa karapatang pantao. Nilalabag daw ang kalayaan ng bawat isa. Hindi raw dapat dina­dampot ang mga nakatambay lang. Paano raw kung nagkukuwentuhan lang at wala namang ginagawa.

Maraming umaalma ngayon sa pinag-utos ng Presidente na damputin ang mga tambay at nag-iinuman sa kalsada para mabawasan ang krimen. Kaya raw may mga nangyayaring krimen lalo na sa gabi ay dahil sa mga tambay at mga nag-iinuman na ang ilan ay mga nakahubad baro pa. Bukod sa pag-iinuman, may mga nagkakantahan o nagbi-videoke pa sa kalye. Nakakabulahaw sila sa mga residente.

Mula nang ipag-utos ng Presidente na damputin ang mga tambay, umaabot na sa 200 ang nadampot ng mga pulis. Dito sa Metro Manila, pinakamarami ang nadampot sa Caloocan na umabot sa 136, samantalang 31 naman sa Malabon. Nakadampot ng 25 tambay sa Valenzuela samantalang 12 sa Navotas. Dinala ang mga naaresto sa barangay at ang iba ay sa police stations para sa proper disposition.

Noong 2016 na kauumpisa lang ng Duterte administration, marami nang nahuling tambay at mga menor-de-edad sa kalye sa dis-oras ng gabi. Pero nagningas-kugon ang mga awtoridad. Magaling lang sa simula pero nang tumagal na, nawalang parang bula.

Dapat ituluy-tuloy ang pagdampot sa mga tambay at nag-iinuman sa kalye para mapanatili ang kaayusan. Huwag nang magningas-kugon sa pagpapatupad ng batas.

 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with