Mga kaalamang dapat malaman ng bawat isa
• Mas mainam na kainin ang saging sa tanghalian kaysa hapunan. Kung sa hapunan mo ito kakainin, mahihirapan kang matunawan dahil malapit ito sa oras ng pagtulog.
• Ang mansanas ay mainam isabay sa almusal. Nagpapababa ito ng blood sugar at cholesterol level. Huwag sa hapunan, mahirap tayong matunawan.
• Ang orange ay sa oras ng meryenda kainin. Nakakatulong sa digestion at metabolism. Huwag sa almusal, nakakasakit sa sikmura lalo na kung kakainin nang walang laman ang tiyan.
• Laging isara ang pintuan ng bedroom kapag natutulog. Kung magkakasunog, magiging proteksiyon ito sa smoke at toxic fumes.
• Nakakapayat ang pagtulog sa malamig na kuwarto. Ang “fat burning ability” ng iyong katawan ay lumalakas ng 10 percent kapag may aircon ang kuwarto mo.
• Ang pilit na pagngiti dahil kailangan sa iyong trabaho ay nakakasama pala sa ating kalusugan. Pinipilit mong gawin ang bagay na labag sa iyong kalooban ay may long-term damaging health effects. Ito ang resulta ng pag-aaral na ginawa noong 2011 at inilathala sa Academy of Management Journal.
• Ang hilig na ngumuya/sumipsip ng yelo pagkatapos uminom ng softdrinks o anumang inuming may yelo ay sintomas ng kakulangan sa iron.
• Kung may “brittle nails” ka o ‘yung mabilis mag-cracked, malamang na kulang ka sa iron, biotin at magnesium. Regular na kumain ng eggs, almonds, leafy green vegetables, oats at saging.
- Latest
















