Online scams, laganap din sa ibang ASEAN countries!
HINDI lang sa Pinas laganap ang online scams, kundi maging sa ibang ASEAN countries. Hindi lang ’yan! Mula ng mabulgar ang Climate Change noong 1997, nagsulputan na din ang ibang mga kaso, tulad ng money laundering, at drug trafficking, kung saan kumikilos na ang mga sindikato across borders at mas mabilisan dahil sa makabagong teknolohiya. Kaya’t nitong 20th ASEAN Ministerial Meeting, tinalakay itong mga krimen na ito, at ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, mag-a-adapt at mag-modernize ang kasaping bansa upang sawatain o gulpihin ang mga sindikato na nasa likod ng transnational crimes. “We came here for one reason, to protect our people. The climate has changed since 1997. Online scams, meaning impersonals, money laundering, and drug trafficking now feed each other and they move across borders at the speed of today’s technology,’’ ang pahayag ni Remulla sa Makati City. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Binigyan-diin rin ni Remulla ang advanced ASEAN declaration upang protektahan ang mga kabataan sa online sexual abuse, at exploitation, kasama na rito ang mga material na ginawa ng artificial intelligence. Dipugaaaaa! Kasama ang mga bansa tulad ng Japan, South Korea at China, nag-adopt ang ASEAN ng joint statement kung saan nakasaad ang kanilang kasunod na hakbangin upang sugpuin ang trafficking in persons, terrorism at cybercrime. “Cooperation is just not an idea, it is already producing results,” ani Remulla. Ibinigay na ehemplo ni Remulla ang pagpigil ng 521 kilos ng shipment ng droga sa Laos papunta sa Pinas “because our information moved between countries.” Idinagdag pa n’ya na may mga Pinoy na na-rescue sa scam hub sa Cambodia. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Ipinahayag ni Remulla na sa magkasunod na 11 na taon, ang Pinas ay binigyan ng Tier 1 rating ng US Trafficking in Person Report. Itong Tier 1 mga kosa, ay ibinibigay sa mga bansa kung saan ang gobyerno ay nakapagpatupad ng minimum standards sa pagwalis ng human trafficking. Ayosssss!
Sa security threat naman sa Southeast Asian region, sinabi ni Remulla na nakatutok ang ASEAN, sa border protection, trafficking in human persona at maging sa banta ng cybercrime na laganap na sa rehiyon. “It is not a localized Philippine thing. In fact, you will be surprised that Singapore, no matter how it runs, one in every seven Singaporeans have been victim to a cybercrime. And it’s the same here in the Philippines and the other, I was surprised in the other ASEAN states,’’ aniya.
Sana matuldukan na ng ASEAN ang mga krimen na ito. Abangan!
- Latest




















