Mataas na bilang ng disgrasya sa kalsada, bakit nga ba?
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - May 28, 2018 - 12:00am

Sa mga nagdaang linggo, sunud-sunod ang trahedya sa mga lansangan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Hindi lang basta aksidente, talagang  malalagim dahil marami ang nabuwis na buhay, bukod pa sa maraming bilang ng mga nasugatan.

Hindi lang mga pampublikong sasakyan ang nasangkot sa mga nakalipas na malalagim na insidente kundi maging mga pribado.

Bukod sa sinasabing hindi maayos na mga kondisyon ng sasakyan, nakikitang isa sa mga dahilan ng aksidente sa lansangan ay driver’s error isama na rito ang mga pasaway.

Sa mga nagdaang ulat ng World Health Organization, pinakamataas na aksidente sa lansangan sa bansa ay kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

Bagamat may mahigpit ng batas na ipinatutupad ang pamahalaan kaugnay sa pagreregulate sa speed limit, nandyan din ang helmet at seatbelt law, ang nagiging problema ay hindi ito naipapaimpleminta nang husto.

Nandyan din ang batas tungkol sa drunk driving, pero madalas na marami pa rin ang lumalabag dito na nagiging dahilan ng maraming aksidente sa lansangan.

Ang pasaway naman na habang hawak ang manibela sa kabilang kamay, hawak naman sa kabila ang kanilang mga cellphone kaya hindi nakakapokus ng maigi sa harap ng manibela, ayun madalas na nandadamay pa ng iba.

Sa motorsiklo, marami pa ring rider ang hindi sumusunod sa ipinatutupad na batas, maging sa pag-aangkas ng mga paslit mukhang bumabalik na naman.

Kasi nga, mistulang sa una lang mahigpit na ipinatutupad ng mga kinauukan ang batasat kapag tumagal nagkakalimutan na kaya imbes na mabawasan ang aksidente sa lansangan tila patuloy pa ang pagtaas ng bilang.

Sa marami namang pagkakataon sa mga apat na gulong na sasakyan partikular sa mga pampublikong bus at jeepney dito marami rin ang pasaway.

Mistulang walang pakiaalam sa kanilang mga sakay, basta makakasingit ay naku sisingit at mangigitgit yan, walang humpay at walang patumanggang pag-oovertake na dyan madalas ang malalagim na aksidente.

Laging nagmamadali, reckless ang karamihan.

Marami na ang pumupuna sa hindi maayos na pagpapatupad sa Road Speed Limiter Act of 2016.

Sa ilalim nito, kailangan lagyan ng mga speed limiter ang mga haulers o cargo truck closed vans, shuttle vehicles,tanker trucks at PUVs at iba pang sasakyan na tutukuyin ng DOTr.

Ang tanong nga ng marami, eh ano na nga ba ang nangyari sa batas na ito?

Ang hirap lang kasi marami ng batas sa road safety, ang kulang nga lang ay ang pagpapatupad at mahigpit na pagmomonitor tungkol dito.

Wala ring magiging silbi ang isang batas kung hindi naman ito naiimpleminta, bale wala rin.

Yan ang isang dahilan kaya hindi maagapan o mabawasan man lang ang trahedya sa lansangan na dapat na talagang matutukan.    

TRAHEDYA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with