^

Punto Mo

EDITORYAL – Sundin sana ng Kuwait ang napagkasunduan

Pang-masa
EDITORYAL � Sundin sana ng Kuwait ang napagkasunduan

INALIS na ang deployment ban sa overseas Pinoy workers sa Kuwait kaya maaari nang mag-aplay ang sinuman. Si President Duterte mismo ang nag-atas kay Labor Secretary Silvestre Bello III na alisin na ang ban. Lumambot ang puso ni President Duterte sa ipinakitang gesture ng Kuwaiti government kaya iniutos na alisin na ang deployment ban ng OFWs sa nasabing bansa. Agad pinirmahan ni Bello ang isang department order na nag-aalis sa deployment ban ng skilled workers at professionals sa Kuwait ganundin ang household service workers.

Ayon kay Bello, maaari nang magtungo sa Kuwait para magtrabaho ang mga Pinoy basta’t legal at kumpleto ang papeles. Makaaasa umano ang mga OFWs sa Kuwait na mapuproteksiyunan na sila makaraang malagdaan ng Pilipinas at Kuwait ang memorandum of understanding. Kabilang sa napagkasunduan ay ang pagkakaroon ng dayoff ng mga domestic helpers, pagkakaroon ng cell phone, sapat na tulog at hindi ipahihiram sa mga kaanak ng amo. Hindi na rin hahawakan o itatago ng employer ang passport ng mga DHs kundi ang Philippine Embassy ang mag-iingat nito. Hindi na rin maaatrasado ang suweldo.

Isa rin sa magandang ipinakita ng Kuwaiti go­vernment ay nang hayaan nito na makaalis na ang undocumented Pinoy na nasa shelter doon at sinagot pa ang pamasahe. Iyon ay pagpapakita na iginagalang ng Kuwait ang kasunduan sa Pilipinas. Labis na ikinatuwa ng delegasyon ng Pilipinas sa pangunguna ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, Presidential Spokesman Harry Roque at Labor Sec. Bello ang ginawa ng Kuwaiti government. Mas natuwa si Duterte kaya pinayagan na nitong alisin ang deployment ban. Pinalaya na rin noong Biyernes ang tatlong tauhan  ng Philippine Embassy sa Kuwait na na-detain dahil sa kontrobersiyal na “rescue mission”.

Maraming OFWs sa Kuwait ang natuwa sa pag-aalis ng deployment ban. Inaasahang matutupad lahat ang nasa kasunduan at wala nang maaabuso o mapapatay gaya nang nangyari kay Joanna Demafelis na inilagay ang bangkay sa freezer. Sana wala nang pang-aabuso at mga pagmamaltrato.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with