Sa pang-iisnab sa BADAC nasa OMB, ang case problem

QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - May 5, 2018 - 12:00am

SINAMPOLAN pala ni DILG Assistant Secretary Ricojudge ‘RJ’ Echiverri ang sampung barangay officials ng sampalin nito este mali sampahan pala niya ng case problems ang mga ito dahil sa pang iisnab diumano na magtatag ng Anti-Drug Abuse Councils dyan sa Aroroy, Masbate.

Ibinida ni RJ, ang ‘lucky 10’ ay sina Luna Gracio ng Talabanan, Rodolfo Tolero ng Gumahang, Leo Cabarles ng Nabongsoran, Charles Guya ng Mariposa, Jerry Enolba ng Manamoc, Alson Bertudo ng San Isidro, Leonides Dones, Jr., ng Balawing, Emerson Fajel ng Bagauma, Caesar Castilo ng Lanang, at Lourdes Arguelles ng Bulalacao.

Ikinuento ni RJ, ang pang-iisnab na magtatag ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils ay isang libag este mali paglabag pala sa ilang memorandum na pinalabas ng DILG at DDB tungkol sa pagbuo ng pinag-uuspan natin.

Bahala silang dumepensa sa OMB kung ano ang dapat nilang sabihin at ipaliwanag.

May limang barangay captains sa Maynila ang sinampahan ng katulad na kaso ni RJ sa OMB.

Kung ano man ang mangyayari  sa case problema nila, iyan ang aabangan natin.

• • • • • •

Si Marinas, ng Immigration 

Welcome at tuwang-tuwa ang mga empleado ng Bureau of Immigration ng lagdaan ni DoJ Secretary Menardo Guevarra ang bagong appointment ni Marc Red Marinas, bilang officer in charge Office of the Deputy Commissioner at concurrent port operations chief ng Bureau of Immigration.

Sabi ng mga empleadong malapit kay Red malaki ang naitulong o nai-ambag nito sa mga tauhan ng bureau lalo’t iyong mga nasa international airports at seaports dahil marami sa kanila ang umalis sa trabaho iniwanan ang bureau matapos mawindang ang kanilang inaasahan overtime.

Ang sahod kasi sa immigration ay napakaliit lamang kumpara sa ibang ahensiya ng gobierno at pribadong opisina kaya naman marami ang nagsilayas dito nang tanggalan nang overtime ang mga employees sa bureau.

Dahil sa pangyayaring ito nagkulang ang mga immigration officers sa mga international airports partikular sa NAIA kaya naman humaba ang mga pila ng mga pasahero dito noon pero nagawan ito ng paraan ni Red.

Dahil sa sipag, tiyaga at pakiusap ni Red sa kanyang mga constituents sa bureau ay nabalik sa normal ang operasyon sa mga airports na solusyunan nilang lahat ang problema sa haba ng pila sa mga international immigration counters sa mga paliparan.

Kaya naman lalong gumanda ang samahan ng mga empleado dito dahil sa respetong ipinakita ni Marinas sa kanyang mga kasamahan kaya naman sinuklian din siya ng respeto at paggalang.

Iyan si Red.

Keep up the good work, Sir!

BADAC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with