^

Punto Mo

Matandang Tinali (77)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, hindi pa sumisikat ang araw ay naglilinis na ng bakuran si Dong.

Dinukal niya ang lupang nasa likod ng kubo. Mayroon siyang malapad na itak at iyon ang ginawa niyang pangdukal. Nang madukal, pinino niya ang lupa at pagkatapos ay dinilig iyon. Sa sapa siya kumuha ng tubig gamit ang timba.

Dahil sa ilang beses niyang pagkuha ng tubig, pinawisan siya. Ang sarap ng pakiramdam niya habang tumatagaktak ang pawis.

Nang madilig ang lupa, kinuha niya ang mga buto ng mustasa, ampalaya at sitaw at ibinaon niya sa basang lupa. Binili niya ang mga buto sa Maynila. Noon pa niya naisip na magtanim ng gulay kapag nakabalik sa kanyang farm.

Marami siyang naibaong buto ng mga gulay. Kapag nakita niyang tumubo o umusbong na ang mga buto, lalagyan niya ng mga sanga ng kahoy o kawayan para gapangan ng sitaw at ampalaya.

Kapag nabuhay lahat ang mga buto, marami siyang aanihing gulay. Pawang sariwa ang kanyang aanihin at kakainin.

Makaraang makapagtanim, ipinasya ni Dong na maligo. Masarap maligo kapag pinawisan.

Lumusong siya sa sapa at sumisid sa hanggang dibdib na tubig.

Nagtagal siya sa ilalim. Napakasarap lumangoy. Malinis na malinis ang tubig. Ito ang wala sa Maynila. Wala ring polusyon dito. Tahimik na tahimik dito. Walang maririnig kundi ang huni ng ibon at mga kuliglig.

Umahon siya.

Napatanaw sa kubo sa kabilang farm.

Bakit wala siyang nakikitang tao sa kubo?

Nasaan kaya ang may-ari?

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with