^

Punto Mo

Ang 7 health benefits mula sa cannabis

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Last Part)

CANNABIS or marijuana. Basta’t nabasa lang o narinig ang salitang marijuana, mukha ng mga adik kaagad ang lulutang sa ating imahinasyon. Bago maging judgemental…tuloy lang ang basa.

Mula sa marijuana plant, may kakatasin silang chemical compound na kung tawagin ay cannabinoids or CBD. Dadagdagan nila ito ng carrier oil: Coconut oil or hemp seed oil kaya magiging CBD oil.

Tetrahydrocannabinol (THC) is the main psychoactive cannabinoid found in cannabis, and causes the sensation of getting “high” that’s often associated with marijuana. However, unlike THC, CBD is not psychoactive.

Sa madaling salita, ang kinatas na CBD oil ay hindi nakaka-high at nakakaadik. Sa halip, ito ay nagdudulot ng iba’t ibang health benefits. Ituloy natin ang ikatlo hanggang ikapitong pakinabang sa CBD oil:

3. Kinokontrol ang pagdami ng cancer cells dahil nakitaan ng mga researchers na may cancer fighting properties sa kanilang experiment sa mga daga.

4. Kinokontrol ang pagtubo ng tagihawat. Pinipigilan ng CBD oil ang paglabas ng maraming sebum na dahilan ng pagtubo ng acne.

5. May potensiyal na makalunas ng epilepsy, Parkinson’s disease at makabawas ng paglala ng Alzheimer’s disease.

6. Panlunas sa alta presyon at sakit sa puso.

7. Epektibong lunas sa diabetes, substance abuse, mental disorders at ibang klase pa ng cancers.

Kailangan pa ang masusing pag-aaral tungkol dito dahil karamihan ng experiment ay ginawa muna sa mga hayop. Natuklasan din na nagkakaroon ng interaction ang CBD oil sa ibang medication ng iniinom ng pasyente kaya kailangan ang superbisyon ng doktor bago subukan ang CBD oil.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with