Ang health benefits mula sa cannabis

CANNABIS or marijuana plant. Basta’t nabasa lang o narinig ang salitang marijuana, mukha ng mga adik kaagad ang lulutang sa ating imahinasyon. Bago maging judgemental…tuloy lang ang basa.

Mula sa marijuana plant, may kakatasin silang chemical compound na kung tawagin ay cannabinoids or CBD. Dadagdagan nila ito ng carrier oil: coconut oil or hemp seed oil kaya magiging CBD oil.

Tetrahydrocannabinol (THC) is the main psychoactive cannabinoid found in cannabis, and causes the sensation of getting “high” that’s often associated with marijuana. However, unlike THC, CBD is not psychoactive.

Sa madaling salita, ang kinatas na CBD oil ay hindi nakaka-high at nakakaadik. Sa halip, ito ay nagdudulot ng iba’t ibang health benefits.

Nagtatanggal ng sakit. Sa ibang bansa, aprubado nila ang oral spray na Sativex. Ito ay pinaghalong CBD oil at safe amount ng THC. Effective daw ito para matanggal ang sakit na dulot ng sclerosis at rheumatoid arthritis.

Nakakabawas ng anxiety at depresyon. Ang CBD ay nakakabawas ng depresyon sa ginawa nilang pag-aaral sa tao at hayop. Ang CBD ay nakakapagpalabas ng serotonin na nagre-regulate ng mood at social behaviour.

(Itutuloy)

Show comments