^

Punto Mo

Matandang Tinali (25)

Pang-masa

NAGTATAKANG napa­tingin si Manong Naldo kay Dong nang sabihin nito ang iuukit na pangalan ng farm.

“Kakaiba ba ang panga­lan, Manong Naldo?’’ ta­nong ni Dong.

“Oo. Ngayon lang ako na­karinig ng ganyan. Dito kasi ang pangalan ng farm ay galing sa apelyido gaya ng Buenviajes’ Farm, Orijola Farm at iba pa. Bakit Matandang Tinali Farm ang napili mo, Dong? Sa akin e nagtatanong lang naman.’’

“Kasi po noong nasa Saudi pa ako ang tawag sa akin doon ay si Matandang Tinali.’’

‘‘Di ba ang ibig sabihin ng matandang tinali ay matandang binata ?’’

‘‘Opo.’’

‘‘Matandang binata ka, Dong ?’’

‘‘Opo, past 50 na po ako. Medyo makunat na ang balat.’’

“Aba e hindi halata, ‘kala ko mga lampas kuwarenta anyos ka lang.’’

“Marami pong salamat, Manong. Mayroon pa palang nadadaya ang edad ko.’’

“Totoo naman ang sinasabi ko. Mukha ka pang binata.’’

“Wala pa po akong asawa, Manong Naldo.’’

“Bakit?’’

“Wala pa pong masuwer­tehan.’’

“Pero nanligaw ka na noon?’’

“Ligaw-tingin lang po. Wala po akong masabi sa babae.’’

“Ah tiyope ka, Dong.’’

“Ganun na nga po.’’

“Sayang naman ang lahi mo kung hindi ka makakapag-asawa.’’

“Oo nga po, Manong Naldo pero ano ang magagawa ko? Wala talagang magustuhan.”

“Hayaan mo at kapag may naisapatan ako rito na puwedeng ligawan e sasabihin ko sa’yo.’’

“Salamat po, Manong.’’

“Sige aalis na ako. Kapag natapos na ang iuukit kong pangalan ng farm e ipakikita ko sa’yo. Siguro mga dalawang ling­go e tapos ko na yun.’’

‘‘Tamang-tama po siguro na pagbalik ko rito galing Maynila e tapos na ano. Ikabit mo na sa haligi para mas magandang tingnan.’’

‘‘Sige Dong.’’

LUMUWAS ng Maynila si Dong at makalipas ang isang buwan, muli siyang bumalik sa farm.

Tuwang-tuwa si Dong nang makita ang nakaukit na pangalan ng farm. MATANDANG TINALI FARM.

‘‘Ang ganda, Manong Nal­do!’’

‘‘Aalagaan ko yan ng varnish para hindi mabulok.’’

“Sige po Manong. Sabihin mo sa akin kung magkano ang ginawa mong pa-ngalan at babayaran kita.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with