^

Punto Mo

Mga punch line ni Digong, bow! BAKAS

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

SA mga talumpati ni Digong, marami ang naghihintay sa mga punch line nito at pangkaraniwang naguudyakan ang mga nakikinig kapag bumitaw na ito ng pagmumura at mga pabirong kataga tulad ng multo sa Malacañang, Pagprito kay Lapu-lapu, love affairs ng mga miyembro ng Gabinete at mga balik-pukol sa mga kritisismo sa kanya na may sense of humor, na isang paraan para maalis ang pagkabanas ng mga nakikinig. Mahirap itong unawain ng mga taong matatalino pero mahina ang sense of humor. Talaga!

• • • • • •

 Double meaning din ang dating

 Alam ng mga Pilipino kalaban man o kakampi ni Digong na nanalo tayo sa laban sa China sa United Nation (UN) Arbitral Tribunal  sa usapin sa West Philippine Sea o South China Sea na idinulog natin sa UN noong January 2013 matapos na pagbawalan tayo ng China na mangisda rito noong April 2012. Naibaba ang desisyon na tayo ang tunay na nagmamay-ari ng West Philippine Sea noong July 2016 ngunit hindi ito kinilala o nirespeto ng China. Nagpatuloy si Digong sa pakikipagkaibigan sa China upang mabawasan ang tensiyon dahil wala naman tayong kapasidad na makidigma sa China dahil purdoy ang AFP at tanging mga kaalyadong malalakas na bansa lamang tulad ng US ang kayang sumagupa sa China. Ayaw ni Digong ng giyera dahil mapupulbos na naman ang Pilipinas tulad noong panahon ng Hapon.

Nag-punch line si Digong noon na sasakay siya sa jetski at lulusubin niya ang China na mag-isa upang itusok ang bandera natin para magpakabayani na sinakyan naman ng mga Pilipino, hahahaha!

• • • • • •

Read between the lines muna kaya tayo mga ‘igan!

Kung uunawain nating mabuti, parang may  double meaning ang binigkas ni Digong na “gawin na lamang probinsiya ng China ang Pilipinas” para matapos na ang usapan. Hindi kaya insulto ito sa China dahil nagpipilit itong angkinin ang West Philippine Sea at namimiligro pa ang Benham Rise ngayon na sagana diumano sa natural gas gayung may nauna nang desisyon dito ang UN Arbitral Tribunal na ayaw nilang igalang? Para bang sinabi ni Digong sa isang abusadong bisita na “dito na kayo tumira!” Ano sa palagay n’yo?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with