Isla Paraiso(125)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 3, 2018 - 12:00am

“MAHAL mo talaga ako, Marikit?’’ Tanong ni Benhur na hindi kuntento sa pagtango lang ni Marikit. Gusto niya’t marinig mismo sa mga labi ni Marikit ang mga katagang mahal din siya nito.

“Oo, mahal din kita, Benhur.’’

Sapat na iyon para yakapin ni Benhur si Marikit.

“Ako ang pinakamasayang lalaki sa mundo ngayon, Marikit. Salamat sa pagtanggap mo sa akin. Pangako ko, hindi ako sisira sa ating pag-iibigan. Ikaw lamang ang mamahalin ko.’’

Nakatingin lamang si Marikit kay Benhur pero dama niya sa pananalita nito ang katotohanan sa sinasabi. Nararamdaman niya ang kadalisayan ng pag-ibig nito.

“Kaya pala atat na atat akong magtungo rito sa Maynila ay dahil may sorpresang naghihintay sa akin. Ngayon pala tayo magiging magkasintahan. Napakasuwerte ko naman.’’

“Ako rin Benhur, iba ang naramdaman ko ngayong araw na ito. Napakagaan ng pakiramdam ko. Kaninang umaga na gumising ako, para bang masayang-masaya na ang pakiramdam ko. Wala akong kaalam-alam na dara­ting ka pala. Nabigla nga ako dahil di ba kailan ka lang nanggaling dito.’’

“Oo nga Marikit. Hindi ko nga rin alam kung bakit nasabi ko kay Sir Alexis na luluwas uli ako kahit walang mahalagang dahilan. At pinayagan naman niya ako. Nakakapagtaka talaga.’’

“Siguro’y tayo talaga ang para sa isa’t isa ano Benhur?’’

“Oo Marikit. Tayo nga talaga ang magkapalad.’’

Pinisil ni Benhur ang palad ni Marikit.

SAMANTALA, nagtaka sina Bart, Alexis at Lolo Kandoy sa biglang pagdating nina Big Boy at mga kasamang nakulong sa cage.

Akala ni Bart ay kung ano na naman ang gagawin nina Big Boy.

“Bart, sasama na kami sa inyo. Gusto na naming magbagumbuhay.’’

Napangiti si Bart. Iyon lang pala.

“Hindi ako ang magpapasya, Big Boy. Si Sir Alex ang kausapin mo.’’

(Itutuloy)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with