Lalaki sa India, pinagkasya ang 459 straws sa kanyang bunganga

MAY mga indibidwal talagang gagawin ang kahit ano maipasok lang ang kanilang pangalan sa world record books.

Isang halimbawa nito ang taga Odisha, India na si Manoj Kumar Maharana, na nakapagtala ng bagong world record nang nagawa niyang pagkasyahin ang 459 plastic straws sa kanyang bunganga ng sabay-sabay.

In-upload naman ng Guinness World Records ang video ni Maharana habang pinipilit nitong punuin ng daan-daang straws ang kanyang bibig.

Nanatili ng 10 segundo ang mga straws sa bunganga ni Maharana upang maging opisyal ang bagong world record.

Bata pa lang daw ay pangarap na ng 23 anyos na si Maharana na maitala ang world record sa pinakamadaming straw na nagkasya sa bibig matapos niyang mabasa ang tungkol sa dating may hawak ng titulo na si Simon Elmore.

Show comments