Sakuna

Bakit ba maraming aksidente ngayon

Na nagaganap sa bayan at nayon

Sa loob ng bahay maliit o mansion

Ama at kapatid ay mga simaron

 

Sa mga lansangan ay hindi mabilang

At hindi mapigil na mga patayan

Mga batang musmos pinababayaan

Ang ama at ina ay nagpapatayan

 

Sa maraming lugar ngayo’y nagaganap

Mga aksidenteng hindi hinahanap

Biglang sumusulpot ang sakunang hayag

Ang mga sasakyan halos lumilipad

Show comments