12 dahilan kung bakit ka magutumin

ITO ‘yung pakiramdam na katatapos mo lang kumain pero naroon ang feeling na nagugutom ka ulit. Bakit nararanasan ito?

1. Kulang sa protina ang kinakain. Ang protina ay may hunger reducing properties. Nagpo-produce ito ng hormones na nagbibigay ng pakiramdam na busog ka na.

2. Kulang sa tulog. Mas kakaunti ang oras ng itinulog, mas mataas ang level ng ghrelin sa ating katawan. Ito ay hormones na nagpapasigla ng iyong gana sa pagkain. Dahil nasasabik kang  kumain, iniisip mo na gutom ka.

3. Sobra ang pagkain ng refined carbohydrates. Ang “refined carbs” ay produkto na gumamit ng white flour, kagaya ng tinapay at pasta. Pagkaing gumamit ng processed sugar kagaya ng soda, candy, cakes and pastries.

4. Kulang sa healthy high-fat foods ang diet. Ang healthy fats ay nanggagaling sa avocados, olive oil, eggs and full-fat yogurt, coconut oil, walnuts, salmon, tuna, mackerel.

5. Kulang sa inom ng tubig.

6. Kulang sa fibers ang kinakain. Ang oatmeal, flaxseeds, kamote, oranges at Brussels sprouts, ay excellent sources ng soluble fiber.

7. May ibang ginagawa habang kumakain o distracted eating. Halimbawa, nanonood ng TV, naglalaro ng video games, etc. Palibhasa, hindi nakapokus sa kinakain, tinatapos kaagad niya ang pagkain busog man o hindi.

8. Sobra ang pag-eehersisyo.

9. Mahilig sa alak. Magaling magpagutom ang alak. Ginugulo rin nito ang ating utak kaya nawawalan ng kakayahang humusga kung totoo siyang nagugutom o  gutum-gutuman lang.

10. Sobrang stressed. Mas stressed, mas aktibo ang appetite sa pagkain kaya maya’t maya ay gutom.

11. Umiinom ng gamot na mabilis magpagutom:  antipsychotics, kagaya ng clozapine at olanzapine, antidepressants, mood stabilizers, corticosteroids at anti-seizure drugs. Diabetes medications, birth control pills.

12. Mabilis kumain.

Show comments