Performance based bonus, tanggalin na
KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar (Pang-masa) - September 9, 2017 - 4:00pm

PANAHON na upang pag-aralang mabuti ng Department of Budget and Management (DBM) ang ipinatutupad na performance based bonus (PBB) na ipinagkakaloob sa mga empleyado ng gobyerno.

Maraming empleyado ng gobyerno ang umaangal sa PBB dahil marami ang nadedehado rito na tunay na nagtratrabaho at naglilingkod sa bayan.

Kadalasan kasi ay nagkakaroon ng palakasan ang PBB lalo na kung ang isang empleyado ay dikit o sipsip sa ilang boss at nabibigyan ng magandang puntos upang makinabang sa PBB.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno ay tuloy daw ang implementasyon ng PBB dahil nakatulong daw ito upang mas bumuti ang performance ng ahensiya at mga empleyado ng pamahalaan.

Kung pagbabasehan ang reklamo ng  mga empleyadong dehado sa PBB ay gastos lang ang PBB na yan.

Mas makakabuting ilaan na lang ang pondo sa PBB sa libreng matrikula sa mga state universities and colleges sa buong bansa.

Tiyak ang pakinabang dito ng lahat ng mga estudyante at hindi masasayang ang pondo ng bayan.

Kung hindi man tuluyang alisin ang PBB ay higpitan ng DBM ang mga makakatanggap nito at busisiing mabuti kung karapat-dapat o baka naman dahil lang sa palakasan sa kanilang ahensiya.

Dapat ding papanagutin ang mga head ng bawat ahensiya na magbibigay ng puntos sa kanilang empleyado na hindi naman karapat-dapat upang hindi maaksaya ang pondo ng taumbayan.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with