Magdaos ng barangay election

Balak ni President Duterte na huwag nang magdaos ng barangay election sa Oktubre at i-appoint na lamang ang barangay chairman at mga kagawad. Ang dahilan niya ay para huwag magamit ng mga kandidato ang pera mula sa drug syndicate. Popondohan aniya ng sindikato ang kandidatura ng mga tatakbo sa barangay. Gagawin daw ng sindikato ang lahat para mamayani sa barangay ang kanilang mga “manok’’ at nang mai-sagawa ang pagpapakalat ng droga.

May punto naman ang Presidente pero mas maganda pa rin kung ang mga tao ang magpapasya sa pagpili ng kanilang lider sa barangay. Ipaubaya sa mamamayan ang karapatang maghalal ng barangay chairman. Kung sino ang gusto, karapatan nila iyon. Hindi dapat silang hadlangan.

Kung ayon sa Presidente ay marami nang barangay kapitan ang protector ng drug syndicate at may listahan siya, bakit hindi pa arestuhin ng PNP. Sampahan sila ng kaso. Linisin ang droga sa barangay pero ituloy ang election. — ELPIE MACARANAS, Valenzuela City

Show comments