Hindi pagdalo ni Digong sa EDSA, tama lang!

SABIHIN man na talagang sinadya ni Pres. Digong Duterte ang hindi pagdalo sa selebrasyon ng EDSA revolution, maiintindihan ito ng mamamayan dahil hindi naman talaga siya naging masugid na kabahagi ng taunang selebrasyon.

Mula 1986-1998, laging engrande ang paggunita sa EDSA revolution sa ilalim ng administrasyon nina former Pres. Cory Aquino at Fidel Ramos, na dinadaluhan ng libong imbitado na ang karamihan ay mga kawani ng gobyerno at suporta ng barangay officials ng Metro Manila.

Noong Pebrero 25, isinabay ng gobyerno ni Digong ang isang programa sa Luneta  na nagsusulong sa pagsupil sa bisyo ng droga at korapsyon  na dinaluhan ng kanyang supporters at kapartido at nang maraming local government officials. Kung pagbabasehan ang dami ng dumalo sa EDSA at Luneta, semplang talaga ang una. Simple lang naman talaga ang dahilan. Natural naman na marami ang dumadalo noon sa EDSA dahil administrasyon ‘yun  ng kinikilalang Mother of Democracy na si Cory Aquino, at sinalo pa ito ng administrasyon ni Fidel Ramos na isa sa naging main ingredient ng EDSA pero, pinanlamigan na ang tao matapos ang termino ng dalawa dahil, ang mga sumunod na Presidenteng sina Erap Estrada at Gloria Arroyo ay hindi naging agresibo sa paggunita ng EDSA revolution, dahil mukhang organizers  lang ang dating nila roon. Maging sa panahon ni P-Noy ay  hindi rin naman pumapatok nang husto ang paggunita sa EDSA revolution, dahil karamihan sa alipores niya at maging si P-Noy ay wala halos naging partisipasyon sa EDSA noon kaya dehado sila kina Enrile, Ramos at Honasan kaya parang organizer din lang ang dating nila noon.  E ano nga naman ang mapapala ni Digong kung dadalo sila sa EDSA? Papaano kung magtalumpati si Digong at makapagmura sa galit sa paglaganap ng droga at korapsyon sa mga nakaraang administrasyon? Baka matunaw sa hiya at inis ang tatamaan di ba? Mas mabuti na ngang hindi siya dumalo!

BAKAS sa UNTv Radio 1350 AM Band Sabado 5:00-7:00 p.m. www.untvradio.com.ph

Show comments