Mutya ng Pangarap

Magandang bulaklak sa hardin ng puso

ang kagandahan mo’y kapintu-pintuho;

Ako’y humahanga sa tangi mong ganda

 

kaya pangarap ko’y pitasin ka sana;

Rangya mo at bango’y sadyang natatangi

 

kaya pag-ibig kang sa puso ko’y tangi!

Kristal kang makinang sa aking disyerto

kaya parola ka sa nilalandas ko.

Show comments