Tapat na paglilingkod

Ipinag-uutos sa bayan at lunsod

Wastong panununtunan ang dapat masunod;

Lahat nang kawani ay dapat maglingkod

Magpakitang giliw huwara’t masinop

 

Tumawa ka lamang kahit may problema

Tiyak problema mo’y agad mawawala

Pag sumimangot ka’y ikaw ang kawawa

Pagka’t maghapon mo’y masamang-masama!

 

Ipinagbabawal sa lahat nang dako

Ugaling magaspang saka hindi pino;

Kung ang sambayana’y lalapit sa inyo

Sila’y pagsilbihan ng tapat sa puso!

 

Gawaing mabuti’y nagtatamong grasya

Tulad nang maraming naunang dakila

Kung dito sa mundo ikaw ay masama

Pagbabayaran mo’t ikaw’y magdurusa

Show comments