School phone menu

“Hello Parents! Ito po ang automated answering service ng eskuwelahan. Upang kayo ay matulungan naming ikonekta sa tamang staff member ng eskuwelahan, pakinggan ang mga pagpipiliang pindutin:

  • Kung magsisinungaling ka kung bakit absent ang iyong anak: Press 1
  • Kung magdadahilan ka kung bakit laging walang homework ang iyong anak: Press 2
  • Kung gusto mong ipaubaya sa amin ang pagpapalaki sa iyong anak: Press 3
  • Kung maninisi ka ng titser kung bakit siya bumagsak sa exam: Press 4
  • Kung magdadahilan ka kung bakit ayaw mong maki­pagkita sa Principal dahil sa kabulastugang ginawa ng iyong anak: Press 5
  • Kung magre-request ka na ilipat sa ibang section (sa ikatlong pagkakataon) ang iyong anak dahil walang makasundo ito sa kanyang section: Press 6
  • Kung magrereklamo ka tungkol sa kanyang school bus: Press 7
  • Kung magrerekalamo ka tungkol sa pagkaing ibinebenta sa school canteen: Press 8
  • Kung napagtanto mo na ang paghubog sa pagkatao ng iyong anak ay hindi solong responsibilidad ng kanyang paaralan kundi ito ay shared responsibility ng paaralan at magulang: Ibaba mo ang telepono… alagaan at pangaralan mong mabuti ang iyong anak. Bye! Have a nice day.

Show comments