100 Tips: Life, People & Happiness (Last Part)

91. Nagpapaganda ng “mood” ang pagngiti ng 60 seconds. Try it!

92. Mag-freeze ng coffee sa ice tray. Ito ang ilagay sa ti­nimplang cold milk chocolate.

93. “Umurong” (shrink) ba ang nabili mong sweater matapos labhan? Labhan mo ulit gamit ang baby shampoo. Dahan-dahang higitin, para bumalik sa dating size.

94. May bagong silang kang anak? Isang gabing gamitin mo ang blanket ng iyong baby. Didikit sa kanyang blanket ang iyong amoy, na magbibigay sa kanila ng “comfort”.

95. Generally, mas mahaba ang paliwanag, mas matindi ang kasinungalingan.

96. Ang pag-inom ng isang tasang malamig na tubig ay nagpapataas ng metabolism ng 30 percent. Mas mataas ang metabolism, mas mabilis pumayat.

97. Base sa pag-aaral na ginawa sa Newcastle University, nakakatanggal ng hangover ang pagkain ng bacon sandwich.

98. Sa mga estudyante: Mas mabilis tandaan ang binasa kung malakas mo itong babasahin kaysa binasa lang ito nang tahimik.

99. Paano iiwasan ang mga nag-aalok ng kung ano-ano habang naglalakad ka sa loob ng mall? Idikit sa tenga ang cellphone at magkunwaring busy sa pakikipag-usap.

100. Kapag nakakita ka ng “halo” sa paligid ng moon, pa­latandaan iyon na may bagyong darating.

Show comments